Biolohiya

Biolohiya

BiolohiyaAng biolohiya, biyolohiya, haynayan, agbuhay, o aghambuhay ay ang pag-aaral sa ating kapaligiran at ang lahat ng nabubuhay sa ating kalikasan tulad ng tao, hayop, kulisap, at mga halaman. Nahahati ang biyolohiya sa dalawang malalaking pangkat: soolohiya at botanika. Karaniwang nakatuon ang biyolohiya sa soolohiya , samantala naman ay itinuturing na sariling disiplina ang botanika. Iisa lamang ang nag-uugnay sa dalawang pangkat na iyon. Iyon ay ang pagkakaroon ng buhay at ang pangalawa ay ang pagkakaroon ng mga selula sa katawan ng mga panag-aaralan nito. Kasangkot din sa larangang ito ang pag-aaral sa mga likas na proseso o pamamaraan ng mga kata-katawan ng mga organismo, na kailangan upang mabuhay ang mga organismong ito. Samakatuwid, ito ang siyensiya o agham ng buhay.

Etimolohiya
Isang makabagong katawagan ang salitang biyolohiya. Ipinakilala ito ni Gottfried Reinhold Treviranus, isang propesor ng panggagamot at matematika sa liseo ng Bremen. Ginamit ni Treviranus ang salita sa loob ng kanyang tratasong Biologie; oder die Philosphie der lebenden Natur noong 1802. Inampon ni Jean-Baptiste Lamarck ang termino. Sa ngayon, ginagamit na ito sa buong mundo.

Ama ng Biyolohiya
Bagaman may iba pang mga biologo o biyolohistang nauna kay Aristotle, siya ang itinuturing na Ama ng Biyolohiya dahil sa kaniyang mga pagsusuri ng mga hayop.

www.megatimes.com.br
www.klimanaturali.org

Please Select Embedded Mode To Show The Comment System.*

Postagem Anterior Próxima Postagem