Ekonomiya ng Pilipinas
Ang Pilipinas ay isang papaunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya. Noong 2004, ito ay nasa ika-24 na pwesto ng World Bank ayon sa kanyang purchasing power parity. Ang Pilipinas ay isa sa mga bagong bansa sa mundo na nagiging industriyalisado.Ang mahahalagang sektor ng ekonomiya ng Pilipinas ay kinabibilangan ng agrikultura, tulad ng pagpoproseso ng pagkain, pananahi, at electronics at paggawa ng mga bahagi ng sasakyan. Karamihan sa mga industriyang ito ay nasa bahaging Kalakhang Maynila at mga karatig na lugar. Ang pag-mimina ay may malaking potensyal sa Pilipinas.
Kasaysayan
Simula ng matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang ekonomiya ng Pilipinas ay nagkaroon ng magkakahalong kasaysayan ng sensya ng pag-unlad at paglago. Sa mga taong lumipas, ang Pilipinas ay nanggaling sa pagiging pinakamaunlad na bansa sa Asya pagkatapos ng Hapon hanggang sa pagiging isa sa pinakamahihirap. Ang pag-unlad pagkatapos ng digmaan ay napakabilis, ngunit bumagal din sa paglipas ng panahon. Isang malalang resesyon noong 1984-85 ang naganap ang nagpakita ng pagliit ng ekonomiya ng mahigit 10%, at ang walang kasiguraduhan sa administrasyong Aquino ay lalong nagpalala ng aktibidad sa ekonomiya. Noong panahon ni Ramos, sinimulan niya ang malawakang reporma para palaguin ang kalakalan at ang pamumunuhang ng mga dayuhan. Bilang resulta, nakitaan ang Pilipinas ng panahon ng mabilis na pag-unlad, ngunit ang Krisis Pinansyal sa Silangang Asya noong 1997 ay muling nagpabagal ng pag-unlad ng Pilipinas. Noong 1998, sinubukan ni Pangulong Joseph Estrada na ipagpatuloy ang reporma at pagbabago na sinimulan ng Administrasyong Ramos, na nagdulot ng katulad na pag-unlad. Sa kadahilan naman ng impeachment at ang pag-alis ni Pangulong Estrada ay nagdulot ng mababang pag-unlad. Ang kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay nagtutulak ng mabilis na pag-unlad ng ekonomiya. Noong 2004, ang ekonomiya ng Pilinas ay lumago ng 6.1%, na nalampasan ang estima ng pamahalaan. Noong 2005, ang Pisong Pilipino ay nag-appreciate ng 6% ang pinakamabilis sa rehiyon ng Asya. Ngunit, ang pana-panahong pagtaas ng halaga ng langis ay nagpapabagsak ng estima ng pamahalaan kada taon. Noong 2006, ang ekonomiya ay nagpakita ng 5.4% na pag-unlad, ngunit ang mga bagyong dumaan ang nagpabagsak sa sektor ng ekonomiya. Noong Pebrero 2007, nagtala ang merkado ng saping-puhunan ng pinakamataas na puntos sa kasaysayan at nasa 33 kada isang Dolyar ang Piso.
www.megatimes.com.br
www.klimanaturali.org