Kapaligiran
Ang kapaligiran o paligid, katulad ng likas na kapaligiran, ay ang lahat ng panlabas na mga puwersa, mga kaganapan, at mga bagay na gumagalaw sa ibabaw ng isang bagay. Ang kapaligiran ng isang tao ay binubuo ng lahat ng mga bagay na nakapaligid sa kanya, kasama na ang mga bahay, mga gusali, mga tao, mga lupa, temperatura, tubig, liwanag, at ibang mga buhay at walang-buhay na mga bagay. Ang mga bagay na may buhay ay hindi lamang umiiral sa kanilang kapaligiran. May madalas na interaksyon ang mga ito sa kanilang kapaligiran. Nagbabago ang mga organismo bilang pagtugon sa mga kalagayan o kundisyon na nasa kanilang kapaligiran. Binubuo ang kapaligiran ng mga interaksyon sa pagitan ng mga nilalang na nasa loob nito. Ang salitang kapaligiran ay ginagamit upang mapag-usapan ang maraming mga bagay. Ang mga taong nasa iba't ibang mga larangan ng kaalaman, katulad ng kasaysayan, heograpiya, o biyolohiya, ay ginagamit ang salita sa iba't ibang kaparaanan.
www.megatimes.com.br
www.klimanaturali.org