Ekolohiya
Ang ekolohiya (ecology) o araling pangkapaligiran ay isang sangay ng agham na nag-aaral sa pagkabaha-bahagi at kasaganaan ng mga bagay na may buhay, at ang kanilang interaksyon sa kanilang kapaligiran. Kinabibilangan sa kanilang kapaligiran ang pisikal na habitat o tirahan, na maaaring isalarawan bilang kabuuang lokal na sangkap ng mga bagay na walang buhay katulad ng klima at heolohiya, at iba pang may buhay na nakikibahagi sa kanilang habitat. Ang Alemang biyolohista na si Ernst Haeckel ang nagbansag sa salitang ekolohiya noong 1866. Mula ito sa salitang Griyego na oikos na nangangahulugang "sambayanan" at logos na nangangahulugang "agham" ang "pag-aaral ng sambayanan ng kalikasan".
Pinag-aaralan ang mga sistemang pang-ekolohiya sa iba't ibang antas mula sa mga tao at populasyon hanggang sa mga ekosistema at biyospero. Isang agham na may napakaraming disiplina ang ekolohiya. Hinahatak nito ang iba pang sangay ng agham.
Sa ekolohiyang ginagamit, isisagawa ang pagsasanay ng mga prinsipyong pang-ekolohiya at pinapaunawa ang paglutas sa mga totoong problema ng mundo. Kinabibilangan sa mga halimbawa ang pagsukat sa ekonomiyang halaga ng mga ekosistema, pagtuos sa mga hangganan ng pangingisda, pagsukat sa ibubunga sa kapaligiran ng pagtatayo ng mga gusali at pagtotroso, paggawa ng kaso sa pagpapanatili ng isang espesye, at pagtukoy sa pinakamabisang paraan para maipagsanggalang ang isang species.
Halimbawa, tinitignan ng ekolohiyang pangtao ang tao at kanyang interaksyon sa kanyang likas na kapaligiran. Kinukuha ng ekolohiyang pangpulitikal ang parehong alternatibong kahulugan, at mayroong gamit sa kaparaanan ng ekolohiya sa isang bagong konteksto sa pamamagitan ng pagtingin sa interaksyon ng mga lipunan at estado sa halip na species o populasyon, ngunit maaari din nangunguhulugan na pulitika na may kaugnayan sa usaping pangkapaligiran.
Hindi dinidikta ng ekolohiya, bilang isang disiplina ng agham, kung ano ang tama o mali. Gayon man pinapanatili ang biodibersidad sa loob ng mga ecosystem at mga kaugnay na layuning pang-ekolohiya (katulad ng pagpigil sa pagkawala ng isang espesye) na naging kaparaanan ng agham na ipahayag ang layunin ng sistemang pangkapaligiran o enbironmentalismo at nagbigay ng scientific methodology, sukat, at terminolohiya sa mga usaping pangkalikasan, ginagawang matatag na magkaugnay ang dalawa. Binibigyang diin din ang pananaw na holistiko sa ekolohiya at enbironmentalismo.