Bagyong Yolanda
Ang Bagyong Yolanda (Pagtatalagang pandaigdig: Bagyong Haiyan) ay isang malakas na bagyong nanalasa sa gitnang Pilipinas noong Nobyembre 2013. Ang Haiyan, na nangangahulugan na petrel sa Wikang Intsik (海燕) ay isa sa pinakamalakas na bagyong naitala sa daigdig, at ang ikalawang pinakamalakas na bagyong naitalang tumama sa Pilipinas, na kumitil sa hindi bababa 3,976 katao.
Nagdulot ng malawakang pagkawasak ang bagyo sa Pilipinas, lalo na sa Pulo ng Samar at Leyte, kung saan tinaya ng gobernador na hindi bababa 10,000 katao ang nasawi sa lungsod pa lamang ng Tacloban.
Nagdulot ng malawakang pagkawasak ang bagyo sa Pilipinas, lalo na sa Pulo ng Samar at Leyte, kung saan tinaya ng gobernador na hindi bababa 10,000 katao ang nasawi sa lungsod pa lamang ng Tacloban.
Paghahanda
Nagtalaga ang mga kinauukulan ng mga pulis sa Kabikulan bilang paghahanda sa bagyo. Sa mga lalawigan ng Samar at Leyte, kinansela ang mga klase, at ang mga mamamayan na naninirahan malapit sa mga mabababang lugar at sa mga lugar na maaaring gumuho ang lupa ay sapilitang inilikas. Ang ilang pook na nilindol sa Bohol ay dadaanan din ng bagyo. Iminungkahi ng Pangulo ng Pilipinas na magpadala ng mga eroplano at helikopter sa mga rehiyong inaasahang maapektuhan ng bagyo. Dahil sa mabilis na pagkilos ng bagyong Yolanda, nagtaas ng babala ang PAGASA sa iba't ibang lalawigan sa bansa. Tinatayang nasa 60 na lalawigan kabilang na ang Punong Rehiyon sa mga binigyan ng babala.
Vietnam
Noong Nobyembre 8, itinaas ni Punong Ministro ng Vietnam Nguyen Tan Dung ang pinakamataas na estado ng paghahanda sa bansa. Tinatayang 600,000 katao sa kalakhang katimugan at gitnang mga lalawigan ang inilikas habang 200,000 naman sa hilagang mga lalawigan. Nagpadala ng mga babala sa 85,328 mga sasakyang pandagat, na may kabuuang bilang ng mga tripulanteng nasa 385,372 katao, na maglayag sa mga ligtas na daan palayo mula sa bagyo. Nagpadala din ng kahilingan sa Tsina, Malaysia, Indonesia at Pilipinas, tulungan ang mga mangingisdang mangangailangan ng sisilungan mula sa bagyo. Humigit-kumulang 460,000 mga sundalo at iba pang kinauukulan ang ipinakalat upang gabayan at tumulong sa pagpapalikas. Daan-daang mga byaheng panghimpapawid ang kinansela sa buong bansa samantalang isinara ang mga paaralan noong Nobyembre 11. Pinuri ni Pratibha Mehta, ang lokal na tagapangasiwa ng UN ang paghahandang ginawa ng pamahalaan ng Vietnam. Subalit, may mga reklamo ang karamihan ng mga residente na ang babala ay huli nang naipabatid.
Pagtama
Palau at Micronesia
Sa Kayangel sa Palau, napinsala ng mataas na alon ang ilang mga kabahayan, samantalang ang mga malalakas na hangin naman ang nagpatumba sa mga puno.[14] Sa kabila nang pagtanggi ng mga residente na lumikas, walang naiulat na nasawi o labis na nasugatan sa pulo. Nagpalipad ng mga helikopter sa pulo upang suriin ang pinsala at makapagbigay ng mga tulong. Balak ng pamahalaan na ilikas ang mga mamamayan nitong nawalan ng mga tirahan.[ Ang Koror, Babeldaob at Kayangel ay nawalan ng suplay ng tubig at kuryente. Hindi gaano napinsala ang Koror dahil ang sentro ng bagyo ay dumaan sa hilaga nito, subalit may pagbahang naganap sa mga daan doon. Sa dulong hilaga ng Babeldaob, napinsala ng bagyo ang mga gusali at mga paaralan.
Kinahinatnan
Pilipinas
Noong Nobyembre 11, isinailalim ang mga lalawigan ng Aklan, Capiz, Cebu, Iloilo, Leyte, Palawan, at Samar sa state of national calamity, upang pahintulutan ang pamahalaan na gamitin ang mga pondo sa pamamahagi ng tulog at pagpapanibagong buhay at upang mapigil ang paggalaw ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin. Dagdag dito, tinatayang ₱30.6 milyon (US$700,000) ang inilaan ng NDRRMC para sa pagtulong. May pinagsama-samang 18,177 katao, 844 sasakyan, 44 sasakayang pandagat, at 31 sasakyang panghimpapawid ang ipinakalat ng lokal at pambansang pamahalaan para sa iba't ibang mga operasyon.
Malawakang pagkasira sa imprastraktura sa kabuuan ng rehiyon ang nagbigay sulirang lohistikal na labis na nagpabagal sa pabibigay ng tulong. Bagaman ang mga tulong ay inilipad patungo sa lokal na paliparan, nanatili itong nandoon sapagkat nanatiling sarado ang mga daan palabas..[36] Ayon sa pagtantiya noong Nobyembre 13, tinatayang 20 bahagdan lamang ng naapektuhan sa populasyon ng Lungsod ng Tacloban ang nakakakuha ng tulong. Dahil sa kawalan ng malinis na tubig, ang ilang residente ay hinukay ang tubo ng tubig at pinakuluan upang mabuhay. Libo-libong mga tao ang nais na umalis sa lungsod sa pamamagitan ng pagsakay sa eroplanong C-130, subalit ang mabagal na proseso ang dumagdag sa kanilang paghihirap.
Wikipedia