Maynila: Matandang Siyudad, Mayamang Kasaysayan

Maynila: Matandang Siyudad, Mayamang Kasaysayan

Maynila: Matandang Siyudad, Mayamang KasaysayanMarami sa mga kabataan ngayon ang hindi alam ang dahilan kung bakit nagdeklara ng Holiday ngayong Hunyo 24, liban sa pagkakaalam na ngayon nga ay Manila Day. Maski mga nakakatanda ngayon ay ang tanging alam lamang ay Hunyo 24, araw ng Maynila, higit pa roon ay wala na silang sapat na kaalaman. Ano ba ang nangyari sa araw na ito? Piyesta ba ito na ipinagdiriwang ‘di lamang ng mga estudyante kundi pati na rin ng mga taga-Maynila?

Mga tatlong taon na rin ang nakalilipas noong maglabas-masok ako mula sa Lungsod Quezon papuntang Maynila kung saan ako nagaaral. Marami na ring pagbabago ang naganap sa loob ng tatlong taon na iyon. Pero, isa lamang ang hindi nagbago– ang tindi ng trapik at ang mala-ilog na baha. Ngunit, gayunpaman, kailangan pa rin nating alamin ang nasa likod ng kasaysayan ng Maynila at kung ano ang Maynila noong nagdaang mahigit apat na daang siglo na ang nakalilipas.

Hunyo 24, 1571 nang ganap na iproklama ang Maynila bilang sentro ng gobyerno at kalakaran. Idineklara ito ni Miguel Lopez de Legazpi matapos n’yang matalo ang kahuli-hulihang lider ng Maynila na si Rajah Sulayman. Mayo pa lamang ng taong iyon, nagpakita na ng intensyon ang mga tauhan ni Legazpi na sina Goiti at Salcedo sa pamamgitan ng pagtingin sa syudad/lugar at pakikipagkaibigan sa mga tao roon. Ngunit, nang matalo ang tropa ni Rajah Sulayman, tinanggap na nito ang mapait na pagkatalo at isinuko ang Maynila. Agad namang pinagbasehan ni Lopez ang Maynila bilang opisina ng Espanya sa buong Timog asya. Idineklara rin nito ang bilang “capital” at sentro ng kalakal sa buong bansa. Tinawag naman ni King Philip II ang siyudad bilang “Insigne y Siempre leal Ciudad de Espana” o Distinguished and ever loyal city of Spain. Nagpatayo agad ang pinuno ng “walled city” na tinawag na Intramuros para sa proteksyon ng mga naninirahan ditong mga “Felipeno” pati na rin para sa proteksyon ng base ng gobyerno ng Espanya. Isang siglo lamang ang lumipas at nagmukhang Europa na ang Maynila dahil sa arkitektural na istruktura ng buong siyudad.

Nagmula naman ang ngalang ng “Maynila” sa “nilad” na tumutubo at lumalago sa mga ilog kaya naman tinawag itong “Maynilad” o ang lugar kung saan tumutubo ang mga halamang “nilad”

Sa kasalukuyan, ang Manila/Maynila pa rin ang “capital” ng ating bansa dahil sa mayamang kultura at kasaysayan nito. Tinangkang baguhin ang capital ng bansa at ilipat sa Lungsod ng Quezon sa pamamagitan ng paglipat ng mga opisina dito. Ngunit, hindi ito nagtagumpay at nanatiling Maynila pa rin ang kapital ng ating bansa.

www.klimanaturali.org

Please Select Embedded Mode To Show The Comment System.*

Postagem Anterior Próxima Postagem