Liyon (Panthera leo)

Liyon (Panthera leo)

Liyon

Ang leon o liyon (Panthera leo) ay isang espesye sa pamilyang Felidae at isang miyembro ng genus Panthera. Mayroon itong malaman, katawang may malalim na dibdib, maliit, bilugan ang ulo, bilog na tainga, at isang mabuhok na tuktok sa dulo ng buntot nito. Sekswal na dimorpiko ito; mas malaki ang adultong lalaking leon kaysa mga babae at prominente ang melena (buhok na pumapalibot sa leeg) sa adultong lalaki. Isang espesye na mahilig makipagkapwa ang mga ito, na nagbubuo ng mga pangkat na tinatawag na kawan ng leon. Binubuo ang isang kawan ng ilang adultong lalaki, kaugnay na mga babae at mga katsoro (o maliit na anak ng leon). Kadalasang nangangaso ng sama-sama ang mga babaeng leon na sinsila ang malalaking ungulata sa karamihan. Ang leon ay parehong maninilang nasa tutktok (apex predator) at susing maninila (keystone predator); bagaman nanginginain ang ilang leon kapag may pagkakataon at nakikilala silang nanghuhuli ng tao, tipikal na hindi ginagawa ng espesye na ito.

Liyon

Karaniwan, ang leon ay naninirahan sa mga bukirin at sabana, ngunit wala sa mga makakapal na kagubatan. Karaniwan itong higit na diyurnal (o aktibo sa araw) kaysa sa iba pang malalaking pusa, ngunit kapag inuusig ay umaangkop ito sa pagiging aktibo sa gabi at sa takipsilim. Sa panahon ng Neolitiko, ang leon ay umabot sa buong Aprika, Timog-silangang Europa, at Kanluran at Timog Asya, ngunit kasalukuyan itong nabawasan sa mga pira-pirasong populasyon sa subsahariyanang Aprika at isang kritikal na nanganganib na populasyon sa kanlurang Indya. Ito ay nakalista bilang Maaring Mawala sa Pulang Tala ng IUCN mula pa noong 1996 dahil ang mga populasyon sa mga bansa sa Africa ay bumaba sa halos 43% mula pa noong unang bahagi ng 1990. Ang mga populasyon ng leon ay hindi matatagal sa labas ng itinalagang mga protektadong lugar. Kahit na ang sanhi ng pagbaba ay hindi lubos na nauunawaan, ang pagkawala ng tirahan at mga hidwaan sa mga tao ang pinakamalaking dahilan ng pag-aalala.

Liyon

Isa sa mga pinakakilalang simbolo ng hayop sa kultura ng tao, ang leon ay malawakan na itinatanghal sa mga iskultura at kuwadro na gawa, sa mga pambansang watawat, at sa mga napapanahong pelikula at panitikan. Ang mga leon ay nilalagay sa mga menagerie (kulungan ng mga mababangis na hayop) mula pa noong panahon ng Imperyong Romano at naging isang pangunahing espesye na hinahangad para sa eksibisyon sa mga pang-soolohiya halamanan sa buong mundo mula pa noong huling bahagi ng ika-18 siglo. Ang mga paglalarawan sa kultura ng mga leon ay makikita sa Sinaunang Ehipto, at ang mga paglalarawan ay naganap sa halos lahat ng mga sinaunang at medyebal na kultura sa dati at kasalukuyan. Matatagpuan din ang leon bilang simbolo sa Sagisag ng Republika ng Pilipinas dahil dati itong pagmamay-ari ng Espanya; lumilitaw din ito sa eskudo de armas ng Maynila, pati na rin ang mga sagisag ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, at ang Hukbong Dagat.

Liyon

www.klimanaturali.org

www.megatimes.com.br

Please Select Embedded Mode To Show The Comment System.*

Postagem Anterior Próxima Postagem