Heograpiya ng Pilipinas


Heograpiya ng Pilipinas

Heograpiya ng PilipinasIsang kapuluan ang bansang Pilipinas (opisyal: Republika ng Pilipinas). Binubuo ang bansa ng higit-kumulang na pitong libo, isang daan at pitong (7,107) mga pulo. Matatagpuan ito sa rehiyong tropikal ng daigdig sa may kanluran ng Karagatang Pasipiko. Kabilang sa lupalop o kontinente ng Asya ang bansang Pilipinas.

Matatagpuan sa pagitan ng 116° 40' at 126° 34' S. longhitud, at 4° 40' at 21° 10' H. latitud ang Pilipinas. Pinapalibutan ito ng Dagat ng Pilipinas sa silangan, ng Dagat Luzón sa kanluran, at ng Dagat ng Celebes sa timog. Matatagpuan ang bansang Indonesia sa katimugang bahagi ng bansa habang matatagpuan ang bansang Malaysia sa timog-kanluran. Sa silangan matatagpuan ang bansang Palau at sa hilaga matatagpuan ang bansang Taiwan.

Malaking impluwensiya sa wika at kultura ng Pilipinas ang naidulot ng pagsakop ng mga bansang Espanya (mula 1565 hanggang 1898) at Estados Unidos(mula 1898 hanggang 1946). Ang relihiyong Katoliko o Katolisismo ang pinakamalaking impluwensiyang naibahagi ng mga Kastila sa kulturang Pilipino.

Tanyag ang Pilipinas sa mga kalakal at yaring pang-export at sa kanyang mga OFW o Overseas Filipino Workers. Kasalukuyang nakararanas ng pag-unlad ang bansa sa mga remittances na ipinapadala pauwi ng mga OFW. Isa sa mga pinakaumuunlad na sektor ang information technology sa ekonomiya ng Pilipinas. Marami ring mga dayuhan ang namumuhunan sa bansa dahil sa mataas na palitan ng dolyar at piso. Kasalukuyan ding umaangat ang sektor ng serbisyo na dulot ng mga call centers na naglipana sa bansa.

Katiwalian sa pamahalaan, polusyon, basura, kawalan ng trabaho, sobrang populasyon at extra-judicial killings o ilegal na pagpatay sa mga taong bumabatikos o kumakalaban sa pamahalaan ang mga pangunahing problema ng Pilipinas. Nagdudulot din ng problema sa bansa ang mga pangkat na Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa katimugang Mindanao at Bagong Hukbong Bayan.

www.klimanaturali.org

1 Comentários

Please Select Embedded Mode To Show The Comment System.*

Postagem Anterior Próxima Postagem