Ang Mga Arsobispo sa Pilipinas, 1581 - 1598

Ang Mga Arsobispo sa Pilipinas, 1581 - 1598

Ang  Mga  Arsobispo  sa  Pilipinas,  1581 - 1598Domingo de Salazar, 1581 - 1594. Frayleng Dominican. Isinilang sa Rioja, España, nuong 1512, at nag-frayle sa convento ng San Esteban sa Salamanca. May 40 taon siyang nag-misionario sa Mexico (dating Nueva España) bago bumalik sa España upang mamuno sa kanyang lipunan (religious order), nang paki-usapan siya ang hari, si Felipe 2, na ipagtanggol ang mga indio o mga katutubo ng America na pinupuksa ng mga Español nuon.

Hinirang siyang unang obispo ng Pilipinas nuong 1578 at itinanghal sa tungkulin (consecrated) nuong sumunod na taon sa Madrid. Dumating siya sa Manila nuong Marso 1581, kasama ng 11 frayle, 8 Franciscan, 2 Jesuit, at 1 Dominican. Itinatag niya ang cathedral nuong Deciembre 21, 1581, ayon sa pahayag (papal bull) ni Pope Gregory 8, bilang saklaw ng arsobispo ng Mexico. Nagpatayo rin siya ng pagamutan (hospital) para sa mga katutubo ng Manila.

Masipag at mainit ang ulo, ipinagtanggol niya ang mga katutubo sa Pilipinas laban sa lupit at pangahas ng mga encomendero. Pinulong niya ang mga religioso (synod) sa Manila nuong 1582 hanggang 1586, sinaluhan ng 90 frayle at 6 pari (sacerdotes, secular priests). Mahilig siyang makialam sa pamamahala ng kapuluan, kaya madalas niyang nakatunggali si Gomez

Perez Dasmariñas, ang governador sa Manila.

Nuong 1591, iniwan niya ang kanyang alalay, si Fray Salvatierra, upang mamahala sa Manila at sumagsag sa Madrid upang isiwalat ang kalabisan ni Dasmariñas at ng mga pinuno sa Manila at hilinging supilin ng hari. Kaya inatas ni Felipe 2 ang pagtatag uli sa Manila ng hukuman ng hari (audiencia real, royal fiscals), laban sa kahilingan ni Dasmariñas at ng mga frayleng Augustinian, upang magmanman, lumitis at humatol sa mga pangahas na pinunong Español.

Itinanghal din ng hari ang pagkakaruon ng sariling arsobispo sa Pilipinas na may saklaw na 3 obispo pa. Si Salazar, 82 taon gulang na, ang hinirang na unang arsobispo ngunit bago nakabalik sa Manila, namatay siya nuong Deciembre 4, 1594, sa Colegio de Santo Tomas sa Madrid.

Bilang obispo, nabigo ang tangka niyang pamahalaan sa pamamagitan ng pagdalaw-dalaw (episcopal visitation) sa mga paroco (parish) sa Pilipinas, ayon sa utos ng hari ng España, dahil kinalaban siya ng mga frayle na ayaw pailalim sa obispo. Ito ang unang sibol ng suliraning nag-alab sa sumunod na mahigit 300 taon ng paghahari ng Español sa Pilipinas.

Ignacio Santibañez, 1595 - 1598. Frayleng Franciscan. Naging pinuno siya ng lipunan ng mga frayleng Franciscan sa kanyang tinubuang lalawigan ng Burgos, sa España, at naging tagapang-aral (preacher) kay Felipe 2 bago nahirang na arsobispo ng Manila nuong Junio 17, 1595. Itinanghal siya sa Mexico (dating Nueva España) nuong sumunod na taon.

Naantal ang pagpunta niya sa Manila hanggang nuong Mayo 28, 1598, dahil mali-mali ang mga pagsang-yon (bulls of the pallium) na unang ipinadala sa kanya. Pinalaki niya agad ang cathedral sa Manila bilang metropolitan o tahanan ng arsobispo.

Ayon sa bull ni Pope Clement 7 nuong Agosto 15, 1595, hinirang ang saklaw niyang 3 obispo: Pedro de Agurto, frayleng Augustinian, obispo sa Cebu; si Miguel de Cervantes, frayleng Dominican, obispo sa Nueva Caceres, sa Camarines; at si Francisco Ortega, frayleng Augustinian, obispo sa Nueva Segovia, sa Cagayan (pagtagal, nilipat sa Vigan, Ilocos).

Pagkaraan lamang ng 2 buwan at 17 araw pagkarating, namatay si Santibañez sa pagta-tae (disenteria, dysentery) nuong Agosto 14, 1598, at inilibing sa cathedral.

www.megatimes.com.br
www.klimanaturali.org

Please Select Embedded Mode To Show The Comment System.*

Postagem Anterior Próxima Postagem