Ang Mga Hari at Regina sa España, 1521 - 1621

Ang Mga Hari at Regina sa España, 1521 - 1621

Ang  Mga  Hari  at  Regina  sa  España,  1521 - 1621Carlos 5 (1500-1558). Anak at tagapagmana nina Juanang Baliw at ni Felipe 1, ipinanganak siya sa Ghent (bahagi ngayon ng Belgium) nuong Febrero 25, 1500. Hinirang siyang hari ng España, sabay sa pagiging regina ng kanyang ina, nang mamatay ang kanyang ama nuong 1506, subalit ang kanyang lolo, si Fernando ng Aragon, ang nagbalik at naghari hanggang namatay nuong 1516. Pumalit bilang tagapaghari (regent) si Cardinal Jimenez (Ximenes) ng Cisneros, katulong si Adrian, pinuno ng colegio ng Louvain, hanggang namatay si Jimenez nuong Noviembre 8, 1517. Nuon lamang, ang taon ng 1517, nagtungo si Carlos sa España, nang 17 taon gulang lamang siya. Nahalal siyang kapalit ng kanyang lolo, si Maximilian 1, bilang emperador ng Germany nuong Junio 1519 sa pangalang Carlos 5. Nakasal siya kay Isabel, anak ng hari ng Portugal, si Manoel, nuong Marso 11, 1526. Nagkaanak sila, si Felipe 2, na hinirang niyang tagapagmana ng España at Germany nuong Enero 15, 1556, nang manahimik siya at nagkulong sa convento ng Yuste, sa España, kung saan siya namatay nuong Agosto 30, 1558.

Si Carlos 5 ang nagpalaot, upang hanapin ang Maluku (Moluccas, the spice islands), kay Fernando Magallanes (Ferdinand Magellan), ang umangkin nuong 1521 sa kapuluan (archipelago) na tinawag niyang Islas de San Lazaro. Pinundaran din ni Carlos 5 ang 3 pang tangkang sakupin ang Maluku. Ang panghuli, pinamunuan ni Ruy Lopez de Villalobos, ang nagpangalan sa kapuluan ng Islas del Felipinas nuong 1543.

Felipe 2 (1527-1598). Ipinanganak siya sa Valladolid, sa España nuong Mayo 21, 1527, kay Carlos 1, hari ng España at emperador ng Germany, at kay Isabel, prinsesa ng Portugal. Gumanap siya bilang tagapaghari (regent) para sa kanyang ama mula nuong Junio 23, 1551 hanggang nahirang siyang hari nuong Marso 28, 1556. Sa 47 taon niyang.

paghahari, naging asawa niya sina:
1. Maria, anak ni Juan 3, hari ng Portugal, nuong Noviembre 15, 1543
2. Mary Tudor, anak ng hari ng England, nuong Julio 25, 1554
3. Marie Elizabeth ng Valois, France, nuong Febrero 2, 1560
4. Anna ng Austria nuong 1570

Nahirang na hari ng Portugal si Felipe 2 nang namatay ang hari duon, si Sebastian, nuong 1580. Itinanghal siya sa Lisbon, punong lungsod ng Portugal, nuong Abril 1581. Si Felipe 2 ang nag-utos sa kanyang mga alagad sa Mexico nuong 1559 na sakupin ang Pilipinas, narating at inangkin nuong 1565 ni Miguel Lopez de Legazpi, ang unang governador ng España sa Pilipinas. Sa mahabang paghahari niya, patuloy na tinangkilik at pinundaran ni Felipe 2 ang pagdanak ng mga frayle at sundalong Español upang sakupin ang buong Pilipinas.

Felipe 3 (1578-1621). Isinilang siya kina Felipe 2 at Anna ng Austria nuong Abril 14, 1578 sa Madrid, España, at duon din siya namatay nuong Marso 31, 1621. Tinawag siyang Felipeng Mapagsamba (El Piadoso, The Pious). Nakasal siya kay Margaret ng Austria nuong Noviembre 13, 1598, 2 buwan lamang matapos siyang mahirang na hari ng España at Portugal.

www.megatimes.com.br
www.klimanaturali.org

Please Select Embedded Mode To Show The Comment System.*

Postagem Anterior Próxima Postagem