Kasaysayan ng Maynila
Batay sa Kasaysayan ng Maynila, noong ika-13 siglo, ang sinaunang Lungsod ng Maynila ay binubuo ng mga tindahan at opisinang tagatanggap sa may tabi ng baybayin ng ilog Pasig, na nasa hilaga ng mga makalumang pamayanan. Ang opisyal na pangalan na binigay ng mga Malay sa lungsod ay Seludong o Selurung, na ginamit din sa isang rehiyon sa pulo ng Luzon, at inimumungkahi na ito ang kabisera ng Kaharian ng Tondo. Ang lungsod ay nakilala rin sa pangalan na binigay ng mga pangkat etnikong mga Tagalog, ang Maynila, unang nakilala bilang Maynilad. Ang pangalan ay mula sa salitang nila, isang uri ng halamang mabulaklak na tumutubo sa baybayin ng look, na ginagamit para gumawa ng sabon para sa pakikipagkalakalan; nanggaling ito sa salitang may mila, na may unlaping ma- na tumutukoy kung saan ang isang lugar ay mayroong isang malagong bagay (ang nila ay pwedeng Sanskrit na nila "punong indigo"). (Ang sinasabing naging pangalan ng halaman ay nilad ay kathang isip lamang.) Ang lungsod ay may humigit sa 100 mga parke na nakakalat sa buong lungsod.
Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na pinamahalaan ang mga isla ng Pilipinas ng tatlong siglo simula 1565 hanggang 1898. Noong inokyupa ng Britanya ang Pilipinas, ang lungsod ay pinamahalaan ng Gran Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging parte sa Pitong Taong Digmaan. Ang lungsod ay nanatiling kabisera ng Pilipinas sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga armadong rebelde laban sa mga Briton.
Ang Maynila ay nakilala noong may kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng tatlong siglo at nakapaghatid ng mga kagamitan simula sa Mehiko papunta ng Timog-silangang Asya. Noong 1899, binili ng Estados Unidos ang Pilipinas sa mga Espanyol at pinamahalaan ang buong arkipelago ng hanggang 1946. Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking parte ng lungsod. Ang lungsod ay ang pangalawang pinakawasak na lungsod na sumusunod sa Warsaw, Poland noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ang rehiyon ng kalakhang Maynila ay gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975.
Isang pandaigdigan lungsod ang Maynila at kilala bilang "Beta+" ayon sa Globalization and World Cities Study Group and Network noong 2008.
Ang opisyal na pangalan na binigay ng mga Malay sa lungsod ay Seludong/Selurung, na ginamit din sa isang rehiyon sa pulo ng Luzon, at inimumungkahi na ito ang kabisera ng Kaharian ng Tondo. Ang lungsod ay nakilala rin sa pangalan na binigay ng mga pangkat etnikong mga Tagalog, ang Maynila, unang nakilala bilang Maynilad. Ang pangalan ay mula sa salitang nila, isang uri ng halamang mabulaklak na tumutubo sa baybayin ng look, na ginagamit para gumawa ng sabon para sa pakikipagkalakalan; nanggaling ito sa salitang may mila, na may unlaping ma- na tumutukoy kung saan ang isang lugar ay mayroong isang malagong bagay (ang nila ay pwedeng Sanskrit na nila "punong indigo"). (Ang sinasabing naging pangalan ng halaman ay nilad ay kathang isip lamang.)
Sinaunang kasaysayan at katutubo sa kabihasnan- Nakilala bilang Gintu(Lupain/Isla ng mga ginto) o Suvarnadvipa ng mga kalapit na lalawigan. Ang naturing kaharian ay yumabong sa mga huling sandali ng Dinastiyang Ming bilang resulta ng pakikipagkalakalan sa Tsina. Ang kaharian ng Tondo nakagawian na bilang kabisera ng imperyo. Ang mga namumuno dito ay kasing kapangyarihan ng mga hari, at tinatawag sila sa panginuan o panginoon, anak banua o anak ng langit, o lakandula na nangangahuligang "diyos ng kahariang pinamumunuan".
Noong namamayagpag si Bolkiah (1485–1571), ang Sultanate ng Brunay ay nagpasyang wasakin ang imperyong Luzon sa pakikiisa Tsina nang lusubin ang Tondo at itinaguyod ang Selurong (Ngayon ay Maynila) bilang base ng mga Bruneo. Sa pamamahala ng Salalila, may itinaguyod na bagong dinastiya para humarap/hamunin ang Kapulungan ng mga Lakandula sa Tondo. Ang kaharian ng Namayan ay itinaguyod bilang alternatibo na may kompederasyon ng mga barangay na biglaan ang pagdami noong 1175 at pinalawig simula sa look ng Maynila hanggang sa lawa ng Laguna. Ang kabisera ng kaharian ay ang Sapa, ngayon ay kilala bilang Sta. Ana.
Sa kala-gitnaan ng ika-16 na siglo, ang mga nasasakupang lugar ng kasalukuyang Maynila, ay parte ng isang malawakang pook na umaabot sa hangganan ng karagatan na pinamumunuan ng mga Raha. Sina Rajah Sulayman at Rajah Matanda ay namuno sa mga komunidad ng Muslim na matatagpuan sa timog ng ilog Pasig, at si Lakandula ang namuno sa Kaharian ng Tondo, ang Hindu-Budistang kaharian na matatagpuan sa timog ng ilog. Ang dalawang komunidad ng Muslim ay pinagsanib at dito naitaguyod ang kaharian ng Maynila. Ang dalawang lungsod-estado ay nagsasalita sa wikang Malay na mahusay makitungo sa sultanate ng Brunay na si Bolkiah, at ang mga sultanate ng Sulu at Ternate.
Pananakop ng Mga Espanyol (1581–1898) - Si Gobernador-Heneral Miguel López de Legazpi, na naghahanap ng isang maayos na lugar para itaguyod ang kanyang kabiserang pook matapos makipagsagupaan at napilitang lumipat dahil sa pagkatalo sa mga piratang Portugese sa Cebu at Panay, ay nalaman na mayroong maunlad na sultanado sa pulo ng Luzon. Dahil doon, nagpadala siya ng ekspedisyon na pinamamahalaan ni Marshall Martin de Goiti at ni kapitan Juan de Salcedo para alamin ang lokasyon nito at ang kahalagahan. Si De Goiti ay dumuong sa Kabite, at sinubukan itaguyod ang sariling pamahalaan sa pamamagitan ng pakikipagbati sa Maynilad. Si Rajah Sulayman, na namumuno sa Maynila, ay maluwag na tinangap ang pakikipagkaibigan na ipinamamahagi ng mga Hispano, pero hindi niya gustong ibigay ang kataas-taasang kapangyarihan sa mga Hispano at nakipaglaban. noong 1570 ng Hunyo, inatake ni De Goiti at ng kanyang mga tauhan ang Maynilad bilang kapalit ng pakikipaglaban ni Sulayman. Pagkatapos ng mapusok na labanan, napasailalim sa kanya ang lungsod at bumalik sa Panay.
Noong 1571, ang pagkakaisa ng imperyong Luzon ay binabantaan na ng alyansa ni Rajah Matanda ng Sapa, ang Lakandula ng Tondo, Rajah Sulayman III, ang rajah muda o "Prinsipeng Nakoronahan" ng Maynila at laxamana o "Gran Admiral" ng Macabebe Armada. Ang mga makapangyarihang estado katulad ng Lubao, Betis at Macabebe ay hinamon ang tradisyonal na pamumuno ng Tondo at Maynila. Sa taong din iyon, bumalik ang mga Hispano, na pinamumunuan ni Legazpi kasama ang kanyang buong hukbo (binubuo ng 280 na mga Hispano at 600 na mga katutubo). Nung nakita silang paparating, ang mga katutubo ay sinunog ang lungsod at nagtungo sa Kaharian ng Tondo at mga kalapit na baryo. Sinakop ng mga Hispano ang mga lugar na nasira at itinaguyod ang kapayapaan at kaayusan doon. Noong 3 Hunyo 1571, binigay na ni Legazpi ang titulong lungsod sa kolonya ng Maynila. Ginawang sertipikado ang titulo noong 19 Hunyo 1572. Sa pamamahala ng Espanya, ang Maynila ang naging kolonyal na lagusan sa Kalayoang Silangan. Ang Pilipinas ay naging kolonya ng Espanya na pinamamahalaan ng Birreynato ng Bagong Espanya at ng Gobernador-Heneral ng Pilipinas na namuno sa Maynila na naging kawil ng Birreynato sa lungsod ng Mehiko. Ang kalakalang Galyong Maynila-Acapulco na nakaruta sa Pilipinas at Mehiko ay nanatili simula ng 1571 hanggang 1815.
Ang mga Tsino na nakikipagkalakalan ng libre sa mga hukbo ay napilitan sumuko nang naglabas ng batas ang mga Hispano na ipinagbabawal na kalakalan. Napilitan din silang magbigay karangalan sa mga awtoridad na Hispano. Ang naging bunga nito, ang mga Tsino ay naghimagsik laban sa mga Hispano noong 1574. Ang pwersa ng mga Tsino ay may humigit-kumulang na 3,000 mga sundalo at 62 na barkong panlabanan na pinamumunuan ni Limahong. Nilusob nila ang lungsod. Sa kanilang paglusob, ang mga Intsik ang natalo. Para mailigtas ang lungsod sa mga susunod pang mga araw, ang mga awtoridad ng Espanya ay ikinulong ang mga residente at mangangalakal na Tsino. ito ay tinaguriang Parian de Alcaceria.
Noong 19 Hunyo, pagkatapos ng kunstraksiyon ng kuta, inalok ni Legazpi si Rajah Lakandula ng Tondo ng pakikipagkaibigan, na maluwag namang tinanggap ni Lakandula. Pero si Rajah Sulayman ay tumanggi sa mga Hispano at nagtipon ng pwersa na binubuo ng mga mandirigmang Tagalog pagkatapos makuha ang suporta ni Lakandula at ng mga namumumuno sa Hagonoy at Macabebe. Noong 3 Hunyo 1571, si Sulayman at ang kanyang hukbo ay lumusob sa baryo ng Bangkusay, kung saan ang mga Hispano ay naninirahan. Si Sulayman ang natalo at napatay. Dahil sa pagkatalo ng hukbo ni Sulayman at ang pakikipagkaibigan ng Hispano kay Rajah Lakandula, ang mga Hispano ay malayang nakapagtaguyod ng kuta sa lungsod at mga kalapit na bayan. Si Rajah Matanda ay nagbigay ng lupain sa mga Hispano para sa kanilang pagsasaayos ng mga bayan bago pumunta sa Maynilad. Dahil sa pagtatangkilik ni Matanda sa awtoridad ng Hispano, si Matanda at ang kanyang mga kaanak ay naging kristyano. Nang mamatay si Matanda noong 1572, si Legazpi at ilang matataas na opisyales ay pinadala ang kanyang bangkay sa harap ng altar ng Katedral ng Maynila, ang pook kung saan ang mga taon ay binibigyan ng dangal. Tulad ni Lakandula na nabinyagan bilang Don Carlos Lacadola, pati ang iba pang namumuno, ay nadismaya sa kadakilaan pinakita ng Espanya kay Matanda. Ayon sa dalubhasa na si John Foreman, "Lakandula appears to have been regarded more as a servant by the Spaniards, rather than a free ally." Para siguraduhin ang pagiging tapat nila sa mga Hispano, binigyan sila ng karangalan at titulo. Nagkataon naman, ang mga Agostiyano ay dumating para ituro ang pananampalatayang Romanong Katolisismo sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga paaralan at simbahan. Sinundan sila ng mga Pransiskano, Heswita, Dominikano at iba pang mga pananampalataya na dumating sa mga sumunod na siglo.
Sa ilang pagkakataon sa iba't ibang siglo, ang mga Tsino ay naghimagsik laban sa mga Hispano. Noong 1602, sinunog nila ang Quiapo at Tondo, at pinagbataang lusubin ang Intramuros. Noong 1662, ang mga Tsino ay muling naghimagsik. Noong 1686, ang pangkat na pinamumunuan ni Tingco ang nagpasyang paslangin lahat ng Hispano. Ang mga pangyayaring ito ang naging hudyat ng pagtitiwalag ng mga Tsino sa Maynila at sa buong bansa dahil sa mga pagpapasyang ginagawa ng mga awtoridad ng Espanya. Sa muling pagkakasundo ng dalawang kampo, nagpatuloy pa rin ang mga komunidad ng mga Tsino sa lungsod.
www.klimanaturali.org