Polusyon sa Tubig

Polusyon sa Tubig

Polusyon sa Tubig
Tubig-dagat. Ang tubig sa mga dagat at karagatn na nakapaligid sa Asya ay nagdaranas din ng matinding kontaminasyon. Maaari ding mag-ugat ang kontaminasyon sa mga nuclear power plant tulad ng nangyari sa Japan pagkatapos lumindol noong 2011. Nasira ang linya ng kuryente at hindi naibaba ang temperatura ng mainit na reactor. Tumaas sa nakababahalang antas ang uranium fuel habang ang paglabas ng radioactive water ang pacific ocean at tubig sa ilalim ng lupa ng mga karatig pook.

Hindi maiiwasan na gumamit ng pesticide ang mga magsasaka upang maiwasan ang pagkasira ng mga pananim bunga ng pananalakay ng mga peste. Ngunit nakakakontamina ito ng dagat dahil sa dagat madalas na tumutuloy ito kaya maraming namamatay na yamang tubig.Ito ay resulta ng microscopic na organismo na tinatawag na"dinoflagellates" na lumulutang sa ibabaw ng dagat. Nagkakaroon ng kakulangan sa oxygen na nagiging dahilan upang mamatay ang mga lamang dagat.

Tubig-tabang. Ang malaking ilog sa Asya gaya ng Huang Ho, Ganges, Amu Darya at Syr Darya ay nangunguna sa talaan ng mga ilog sa buong mundo na dumaranas ng matinding kontaminasyon. Ito ay dulot sa masalimuot na suliranin sa urbanisasyon.Habang nakakamit natin ang kaunlaran ng ating bansa ay dumarami rin ang industriya na naglalabas ng dumi na dumidiretso sa mga ilog na nagdudulot ng kontaminasyon.

Bagamat ipinag utos ng pamahalaan ng China ang agarang pagtlilinis ng ilog at pagpapatupad ng mahigpit na batas para sa instalasyon ng mga wastewater treatment facility noong 1997-2015 hindi ganap na nalins ang Huai River. Sadyang nakarurumi rin ng ilog ang mine tailing,pagtatapon ng mercury at cyanide dahil maaari itong magdulot ng ng pagkalason at pagkakasakit dahil sa kemikal na nahalo dito.

Ang siltation o siltasyon ay isa ring problemang kinakaharap ng mga bansa sa Asya. Ang pagkasira ng ng kagubatan at erosyon ng lupa ang dalawa sa pangunahing dahilan ng pagdami ng banlik sa mga ilog, lawa, batis at iba pa.

Please Select Embedded Mode To Show The Comment System.*

Postagem Anterior Próxima Postagem