Ang Mga Hari At Regina Sa España, 1598 - 1700


Ang Mga Hari At Regina Sa España, 1598 - 1700

Ang  Mga  Hari  At  Regina  Sa  España,  1598 - 17008. Felipe 4 (1605-1665). Sa Valladolid, España, siya ipinanganak nuong Abril 8, 1605 kina Felipe 3 at Margaret ng Austria. Sampung taon lamang ang gulang niya nang ikasal siya nuong 1615 kay Isabel, princesa ng angkan ng mga Bourbon, at 16 taon lamang nang pumalit siya sa kanyang ama bilang hari ng España at Portugal nuong 1621.


Nag-asawa siya uli, kay Mariana, princesa ng Austria, nuong 1649, 9 taon matapos maghimagsik ang mga taga-Portugal at, katulong ang England, tumiwalag mula sa kaharian ng España mula nuong Deciembre 1, 1640.

Ang  Mga  Hari  At  Regina  Sa  España,  1598 - 1700Namatay siya sa Madrid, España, nuong Septiembre 17, 1665.

9. Carlos 2 (1661-1700). Tinawag siyang Carlos na nakulam (El Hechizado, the Bewitched). Isinilang siya nuong Noviembre 6, 1661, kina Felipe 4 at Mariana ng Austria. Ang kanyang ina ang gumanap na tagapaghari (reina regente, queen regent) ng España mula nang namatay ang ama niya nuong 1665 hanggang nagka-sapat na gulang siya, 14 taon, at hinirang na hari nuong Noviembre 16, 1675.

Dalawa ang naging asawa niya, sina Maria Luisa (Marie Louise), princesa ng Orleans, France, nuong 1679; at si Mariana ng Bavaria, sa Germany, nuong 1690. Wala siyang anak kaya bago namatay nuong Noviembre 1, 1700, ipinamana niya ang kaharian ng España sa anak ni Mariana, si Felipe ng Anjou. Si Carlos 2 ang kahuli-hulihang hari ng España mula sa angkan ng mga Austria.

Si Carlos 2 ang unang nag-utos, nuong 1668, na payagang mag-pari ang mga katutubo at mga mestizong Pilipino. Nuon nagsimula ang patuloy na pagsuway ng mga frayle at ilang obispo sa Manila sa utos, at mahigit 300 taon ng agawan ng mga frayle at mga pari sa mga paroco sa Pilipinas.

www.klimanaturali.org
www.megatimes.com.br

Please Select Embedded Mode To Show The Comment System.*

Postagem Anterior Próxima Postagem