Kaharian ng Español sa Pilipinas


Kaharian ng Español sa Pilipinas

Kaharian ng Español sa Pilipinas
Kaharian Ng Español Sa Pilipinas

Ang Unang Sandaan Taon, 1600 - 1696

NAANGKIN ng Español Breda natalo ang kalakal ng spices sa Maluku (Moluccas, spice islands) nang naging hari rin ng Portugal ang hari ng España nuong 1581 ngunit hindi nila nasarili dahil nasadlak sila sa 50 taon ng himagsikan ng mga Dutch sa Netherlands upang makatiwalag sa pagsakop ng España. Matagal pa bago nakamit ng mga Dutch ang kanilang kalayaan nuong 1640, sinalakay na nila ang mga sakop ng Español sa America, sa Maluku, at sa Pilipinas. Bihira sila nanalo sa bakbakan, madalas silang natalo, subalit dinaan sa tiyaga at tapang, kumita sila kahit papaano sa walang puknat na pagdambong sa paligid ng Pilipinas, hanggang nuong huli, lubusang nasakop nila ang kapuluang tinatawag ngayong Indonesia at napalayas mula duon ang mga Español .

Isa sa pinaka-mapusok na salakay ang ginanap nila nuong Octobre 16, 1600, nang 2 barko ng mga Dutch, pinamunuan ni Oliver van Noordt, ang lumusob sa Pilipinas. Humimpil muna sila sa tabi ng Albay at bumili ng bigas at iba pang pagkain. Umabot sa Manila ang balita pagkaraan ng 3 araw. Pinasugod ni Governador Tello ang 70 sundalong Español, pinamunuan ni Pedro de Arceo. Umurong ang mga Dutch sa pulo ng Capul nuong Octobre 24, 1600. Sinalakay at sinunog nila ang isang baranggay duon dahil binihag ng mga tagaruon si John Calleway, isang taga-England na tauhan ni Van Noordt. Tumuloy ang mga Dutch sa tabi ng Mariveles (bahagi ng Bataan ngayon) at dinambong ang 3 barkong pumasok sa lawa (bay) ng Manila - ang Buen Jesus, munting barko (frigata) ng Español na pinalubog nila, isang barko ng Hapon na ninakawan nila ng arina (harina, flour), at isang sampan ng Intsik.

Si Antonio de Morga, auditor ng Audiencia Real sa Manila ang namuno sa 2 barkong lumunsad nuong Deciembre 12, 1600, sakay ang mahigit 600 sundalong Español. Pagkaraan ng 2 araw, nuong Deciembre 14, 1600, sinagupa nila ang mga Dutch sa Azebu, 25 kilometro mula sa Mariveles. Higit na mahusay sa digmaang dagat ang mga Dutch. Ilang ulit nilang pinaputukan ng mga kanyon (cañones, cannon) ang barko ni De Morga, ang San Diego, na nabutas at nagsimulang lumubog.

Samantala, sa dagat tumama ang mga kanyon ng Español. Dinaig sa dami, 450 ang mga Español sa San Diego habang walang pang 100 ang mga Dutch sa barko ni Van Noordt, ang Mauritius. Binangga ng San Diego ang Mauritius. Sumampa ang mga Español sa barko ng mga Dutch at nakipag-bakbakan kina Van Noordt.

Tumakas ang pang-2 barko ng mga Dutch, ang Eendracht. Hinabol ito ng pang-2 barko ng mga Español, ang San Bartolome, pinamunuan ni Joan de Alzaga, admiral sa hukbong dagat (navy) at mahusay sa digmaan. Inabutan at tinalo nina Alzaga ang mga Dutch. Sinindihan ng mga Dutch ang sariling barko upang hindi pakinabangan ng kaaway, subalit napatay ng mga Español ang apoy at binihag ang Eendracht.

Pagbalik sa Manila, binitay sa garrote ang 13 sa 19 Dutch na sumuko kay Alzaga. Ang iba, mga bata pa, ay ibinigay sa mga monasterio.

Pagkaraan ng 6 oras na bakbakan sa barko ni Van Noordt, napipilan ang mga Dutch at sinimulan nilang sunugin ang sariling barko. Nasindak ang mga Español dahil lumulubog na ang kanilang barko, ang San Diego. Walang alam sa digmaan, pinatakas ni Morga ang mga Español upang iligtas ang mga sarili, sa halip na sugpuin ang sunog at sakupin ang barko ni Van Noordt. Nagtalunan silang lahat sa dagat. Lumubog ang San Diego at nalunod ang karamihan ng mga Español. Lumangoy nang 4 oras si Morga pagkalubog ng San Diego at nakarating sa pulo ng Fortun, malapit sa Batangas. Pagbalik sa Manila, ipinadakip niya si Alzaga dahil hindi sinaklolohan ang San Diego subalit hindi nagtagal, pinakawalan din ang admiral.

Samantala, tumakas sina Van Noordt, matapos patayin ang sunog sa Eendracht. Nakauwi pa sina Van Noordt sa Netherland kahit laspag at karag-karag na ang kanilang barko.

( Nasa Mga Sabak Ng Dutch ang iba pang pagsalakay sa Pilipinas. )

www.klimanaturali.org
www.megatimes.com.br

Please Select Embedded Mode To Show The Comment System.*

Postagem Anterior Próxima Postagem